Friday, June 30, 2006

Star Gazing

PLOT : Sa Antipolo, gabi, star gazing sila Luisa at Royeth. Tamang lamlam sa pwesto nila. Nasa hood sila ng pick up ni Royeth.


Luisa : (bakit kaya ako inaya nito dito?) Hoy Yeth, ano ba trip mo at dinala mo ko dito?

Royeth : (napangiti) Gusto ko lang mag-star gazing... e wala akong maaya dito kaya ikaw na lang sinama ko.

Luisa : Gagu ka ah. (Sabay hampas kay Royeth)

Royeth : Ha ha ha ha!!! Seriously, gusto lang kitang makasama dito.

Luisa : _ (walang masabi)


Sabay may dumaan na anghel.


Luisa : (Sabay tingin sa taas) Uy.. ang ganda ng mga stars o.

Royeth : (Tumingala sandali pero sabay tingin kay Luisa) Oo.. ang ganda.

Luisa : (Napansin na sa kanya nakatingin si Royeth pero kunwari hindi nya napansin) Uyy...ayun.. nakita mo yun, may falling star, dali wish ka.

Royeth : (Nakatingin pa din kay Luisa) Oo.. ang gand... err... ahh.. oo nga teka wish lang ako.

Luisa : (nakatingin pa din sya sa kin... baka eto na yung pinaka-aantay ko.. magtatapat na din itong mokong na to.) Ano wish mo?

Royeth : Ngeks, bakit ko sasabihin? E di hindi nagkatotoo..


May dumaan uling anghel.


Royeth : Ysa.. ahmm...

Luisa : Ano yun? (Shit, halata nyang nagba-blush ako..)

Royeth : Wala lang, I'm just thankful kasama kita ngayon.

Luisa : Thankful? Akala ko ba ako last option mo? Batukan kita dyan e. (Uy first time.. naging thankful sya kasama ko.)

Royeth : Heheheh... hmm.. Ysa.. ano.. (sabay tingin kay Luisa)

Luisa : (Shet.. eto na.. ano gagawin ko pag nagtapat na sya?? Halikan ko kaya agad? Or... pakipot muna ako... Shet, ang gagu kasing ito e)

Royeth : Ysa...

Luisa : Yeth... (Sabay yuko)

Royeth : (Hinawakan ang baba ni Luisa.. at inangat...nagpanagpo ang mga mata nila)


Tahimik... matagal silang nagtitigan, walang mga salitang namutawi sa bibig nila. Yumuko si Royeth at biglang may kinuha sa bulsa nya.


Royeth : Ysa...

Luisa : (Tang-ina naman oo.. ang bagal naman... rereypin ko na to e.) Yeth...

Royeth : May kulangot ka sa ilong, ayan ang laki o. Kanina pa nandyan. (Sabay punas gamit ang panyong kinuha nya sa bulsa nya)

6 comments:

Anonymous said...

anak ng tokwa ka! bwahahaha!!!ΓΌ

Jhan said...

hahaha!

parang ikaw na ikaw si Royeth ah...extension ng ugali mo...lakas mambitin, lakas din mang-asar!

amf!

Aquabitch said...

Kilala ko ba si royeth and luisa? *super ubo*

Ziggy said...

anakngpitongkubananasaikapitongbukidngbasilan!

Anonymous said...

Luisa? Royeth? hmmm... * sounds family *

Anonymous said...

pag-uwi mo dito ace kakalbuhin kita. bwahahahah!!! :P