Thursday, June 15, 2006

Hair Doctor

Plot : Sa isang unisex locker room sa isang sikat ng fitness club.


Si Alfred ay isang regular na member ng isang sikat na fitness club sa Manila. Kakatapos lang nyang magshower at magsisimula na syang magbihis ng dumaan sa gilid ng mga locker ang isang sexy at magandang babae. Kilala ito ni Alfred.


Alfred : Teka pamilyar yung babae na yun ah, tama.. sya yung sikat na doktor sa buhok na part time model din. Ang sexy pala nya.. teka, pagkakataon ko na ito, para magtanong sa kanya tungkol sa buhok ko.


Dali daling dinampot na lang ni Alfred ang kanyang bag, at tumakbo sa kabilang gilid ng mga locker upang maabutan nya yung seksing doktora.


Alfred : Miss!! Dok !! Sandali...

Doktora : Huh ?


Nagulat ang doktora sa biglang pagtawag sa kanya ng lalaki, ngunit dahil sa likas na mabait at maunawain, kinausap pa din nya ito, kahit ngayon lang nya ito nakita.


Alfred : Doktora, tamang tama ang pagkikita natin dito...

Doktora : Hmm.. bakit naman aber?


Hindi makatingin ng diretso ang doktora kay Alfred, parang naiilang sya. Dahil hindi sya sanay na makipag-usap sa ganitong lugar.


Alfred : Dok, ako po si Alfred. Fan nyo po ako. (sabay abot ng kamay para makipag-shake hands )

Doktora : Ok.. Alfred.. nice meeting you. (inabot ang kamay ni Alfred sabay bawi agad )

Alfred : (hmm.. mabait naman, mahiyain lang siguro) Hmm... pwede ko po bang ikonsulta sa inyo itong buhok ko?

Doktora : Bakit ano bang problema sa buhok mo?

Alfred : Kung mapapansin nyo po, medyo kulot ang buhok ko, at mahaba-haba na sya ng konti.

Doktora : Gusto mo syang paunat? Aba dapat sa parlor ka pumunta at hindi sa akin.

Alfred : Naku hindi, gusto ko syang ganyan, ang problema medyo naglalagas po sya. Sobrang paglalagas, lagi na lang akong naglilinis ng bahay at puro buhok ko lang ang kalat.

Doktora : Ganun ba? Hmm... mukha ka namang healthy sa katawan at medyo may pagkabalbon ka... teka.. ano bang shampoo ang gamit mo?

Alfred : Imported ang shampoo ko, galing sa tiyo ko mula sa States... (sabay talikod at yuko para kunin ang shampoo sa kanyang bag). Eto po.

Doktora : (namumula) Hmmm.. eto pala mukhang hindi kasundo ng buhok mo etong shampoo na ito. Dapat siguro magpalit ka ng shampoo, yung local brand lang. Yung mild lang sa buhok.

Alfred : Talaga??? Anong brand kaya ang pwede? Pwede nyo ba akong bigyan ng reseta ?

Doktora : Ganito na lang pumunta ka sa clinic ko bukas, eto ang calling card ko.

Alfred : (inabot ang credit card at tuwang-tuwa at muntik na nyang nayakap ang doktora) Salamat dok, ang hirap pa namang magpa-schedule sa inyo.


Ilang na ilang talaga ang doktora, lalo pa na yayakapin sya nitong si Alfred, pero wala syang magawa, mukha namang mabait itong lalaki na ito, at seryoso ang problema.


Doktora : OK.. sige Mr.. Alfred, nice meeting you, and I'll be seeing you tomorrow.

Alfred : yes dok, I'll be there.


Lumakad na papalayo ang doktora...


Doktora : Ok, one more thing though, would you mind wearing something tomorrow... please?

No comments: