Wednesday, June 21, 2006

Lamesa

Plot: Sa kusina habang kumakain ang magkaibigan..

Sinubuan ng pagkain ni Luisa si Royeth.


Luisa : Oy kain ka pa, eto o.

Royeth : umphh.. hehehe.. tataba ako niyan e.

Luisa : Ayaw mo nun, magiging healthy ka? Eto pa o.

Royeth : Teka teka, ang sweet mo naman... bakit mo ba ako sinusubuan?

Luisa : Eto naman, naglalambing lang e. Sa gusto kitang subuan e, masama ba?

Royeth : Hindi naman, kaya lang... parang naaalangan ako e.

Luisa : Anong alangan?

Royeth : E sobrang lambing mo e.. para kasing tayo pero hindi tayo.

Luisa : E mag-ano nga tayo? Ako dapat magtanong nyan e. Lagi kang andito, pag gumigimik ka, lagi mo akong sinasamahan, text ka ng text sa kin, maya't maya mo ko tinatawagan, ayaw mo kong paliligawan... etc.. etc..

Royeth : Concern lang ako sa yo, kasi kaibigan mo ko.

Luisa : Ah ganun, kaibigan kita.

Royeth : Oo, hindi ba yun ang gusto mo?

Luisa : E bakit ganun ka maka-arte? Talo mo pa kuya ko e. Ano ba talaga?

Royeth : Ang gulo mong kausap! Nagtanong lang ako kung bakit mo ko sinusubuan habang kumakain e.

Luisa : Hwag mo akong kausapin.

Royeth : Ang sarap naman nitong ulam, sino nagluto?

3 comments:

keekai said...

shapoks um tagshik

inspired ba ito sa....

hahahah

tadew ka talga~!!!

Jhan said...

taena! yoko n nga magbasa

napopollute lng utak ku!
baka maaway pa kita ng di oras

*iling x 3*

Anonymous said...

hehehehhehe nice one