Tuesday, October 24, 2006

mistaken identity?

plot : normal evening chat ni roger sa pad nya sa makati. pa-relax-relax lang sya sa bahay at pasingit-singit lang sa conference chat sa mga kaibigan nya. magaling magsalita si roger, ika nga e bohemyo, mapasa chatroom or sa personal, kaya madami syang nakikilalang mga babae. walang ano-ano biglang may nag-prompt sa YM nya.


anonymous_male : tang-ina mo hayup ka!! tigilan mo girlfriend ko!!


obviously shocked sa nag-prompt sa kanya, na-maintain pa din ni roger ang pagiging kalmante sa ganitong sitwasyon. sa isip nya, internet lang ito.


anonymous_male : hoy gago!! mag-reply ka!! sabi ko... tigilan mo na girlfriend ko!!

roger_ako : oy... pare, hindi ko alam ang problema mo, pero sana hwag kang magmura.

anonymous_male : at bakit hindi ako pwede magmura e.. gago ka pala e. kakalantiriin mo girlfriend ko.. tapos hwag magmura??

roger_ako : relax ka lang.. ano ba problema?

anonymous_male : gago ka ba?? sabi ko tigilan mo na girlfriend ko!! hwag mo na syang i-chat!! tukso ka e!!

roger_ako : ganun ba? hehehe...

anonymous_male : tatawa-tawa ka dyan. tarantado ka ng hayup ka!!

roger_ako : sige.. ano ba pangalan ng girlfriend mo?

anonymous_male : aba'y gago ka talaga, ang dami mo kasing babae kaya di mo matandaan pangalan ng kinakalantari mo ah!!

roger_ako : hahaha.. madami lang akong kaibigan...ano nga pangalan nya.

anonymous_male : helen

roger_ako : helen?? helen who?

anonymous_male : gago ka!! hwag kang mag-maang-maangan!!

roger_ako : sino ngang helen?? madami akong helen na kakilala.

anonymous_male : helen.. helen gutierez!!

roger_ako : hahahahah... boyet... boyet.. gago ka.. si boyet ka no? umayos ka nga... hindi ko kinakalantari yang si helen ha.

anonymous_male : hahahaha. pano mo nalamang si boyet ako??

roger_ako : e sira-ulo ka pala e, si helen?? come on naman pare, porket kaibigan ko yung tao e, nilink mo na sa kin... alam mo namang walang tatagal na lalaki dun e.

anonymous_male : hahahaha... gagu ka talaga!! kumusta pare.. long time no chat ah.. nasa Makati ka na daw ngayon?

roger_ako : oo nga.. dito ako sa makati.. ikaw. pano mo nalaman YM addy ko? kumusta dyan sa Tokyo?