Wednesday, June 14, 2006

YM hacker

Plot : Guy nasa office ng GF nya, may dala syang backpack. Sila na lang dalawa ang nandoon kasi, pasado alas otso na ng gabi.


Guy : (sa isip ) Hmmm.. sino kaya ka-chat nito maghapon??
GF : hon, wiwi break lang me ha... dyan ka lang.
Guy : (sa isip) hmmm, pagkakataon ko na... open ang YM nya, ma-check nga ang archive...

Dahil nasa IT business din ang guy, madali lang sa kanya ang paghanap kung nasaan ang View Archives sa Yahoo. Sabagay, kahit hindi IT basta chatter alam kung asan ang Archives.

Guy : teka, mas maganda kung i-save ko na lang sa thumb drive ko. Browse... Program Files.. Yahoo... Messenger.. Profiles... ayos... copy to Thumb drive..

Pagkatapos nyang makopya, dali-dali nyang tinago ang thumb drive at ni-minimize ang YM at ni-close ang Explorer.

GF : uy, sensya ka na ha, nag-antay ka pa, nag-toothbrush na din kasi ako e, alis na tayo.
Guy : Sige...


Kinagabihan.. este.. gabi na nga pala. Nang nag-iisa na lang sya sa bahay, dali-
dali nyang kinuha ang thumb drive at sinubukan, kung kaya nyang ma-view ang archives ng gf nya. Dahil na din sa angking kagalingan sa computer at pagha-hack, nabuksan nya ang archive.


Guy : browse... hmmm.. anong date ba ngayon.. ahh.. ok.. hmm sino kaya ka-chat nito maghapon??
Guy : huh?? sino tong si sweet_hunk ?? bakit puro paglalambing ang usapan nila?? ano to?? bakit may I love you pa?? Sabi ko na nga ba e... niloloko ako ng babae na to e..

Umiiyak na sa galit ang lalaki, sinubukan nyang tawagan ang gf nya para kumprontahin...

Guy : Putaragis na provider to oh!! Network Busy!! Network busy e.. ala-una na ng madaling araw!! Syeetttt !!

Nagwala na ang lalaki at pinagpupunit ang mga loveletters na binigay sa kanya ng gf nya.

Guy : Manloloko ka.. akala ko ako mahal mo... aaarrrggghhh !!!! Hu hu hu...

Biglang may nagprompt sa Yahoo Messenger nya sa computer... Ngayon lang nya nakita to.

Guy : hmm.. baka naghahanap ng kausap. teka, akala nya sya lang marunong makipaglambingan sa chat ha...
Guy : hi pretty_fancy... ASL please.
pretty_fancy : hi sweet_hunk... i'm 19_f_manila... CTC ?

3 comments:

Aquabitch said...

'tragis na yan.

Anonymous said...

*konyat*

Sana nga fiction lng talaga!

*taas kilay*

keekai said...

haha un lang... haha as in hahalf truth *ubo*ubo*