Thursday, August 10, 2006

Purple Stuff Toy

Plot : Homecoming Party ni Jude, galing syang Canada, sa party na kung saan ang promotor e ang mga kaibigan nyang sila Bok, Mel at Ping. Kasama din sa party ang crush ni Jude na si Sita, ang crush ni Bok na si Nida, at sila Tiny at Babes. Lokohan at tawanan syempre, tuwang-tuwa si Jude dahil matagal-tagal ding hindi nya nakita ang barkada nya, bonus pa kasi andito ang crush nyang si Sita.


Bok : O cheers!! para kay Jude, kasi hindi nya tayo nakalimutan!!
Lahat : Cheers!!! hahahaha!!!
Jude : Sira ka talaga, pano ko kayo makakalimutan? e araw-araw nyo ako ka-chat!! Hahahahah!!!
Mel : Ay oo nga pala.. Hahahaha!!!
Ping : speaking of chat, hoy Jude nasan na yung mga binilin namin sa yo na pasalubong??
Nida : Oo nga, kaya nga kami pumunta dito kasi may pasalubong ka daw e.. Hihihihi.
Sita, Tiny at Babes : chocolates!! chocolates!!!
Jude : pambihira, kala ko ba naman pumunta kayo dito para sa kin? Para pala sa pasalubong. hahahaha!! Teka, akyat lang ako at kukunin ko.
Bok : Samahan ka na namin ni pareng Mel sa taas, Ping kaw muna bahala dito sa mga girls na mukhang tsokolate.
Nida : BEEEHHH!!! Sige alis na atat na ko sa tsokolate ko e.


Sabay tumayo ang tatlong lalaki para kunin ang mga pasalubong ni Jude sa lahat.


Bok : Ano pare? siguro naman may regalo ka para kay Sita no?
Jude : Meron pare, kaso kinakabahan ako e, baka magalit.
Mel : Magalit? Tanga ka ba? Pasalubong magagalit?
Jude : Nahihiya ako pare.
Bok : Teka, ano ba yang pasalubong mo kay Sita ?
Jude : Eto, stuff toy.
Bok : Purple???!!
Mel : Tama, purple favorite color ni Sita diba?
Bok : Sabagay, nice work pare ko !! Nag-improve ka na ha.
Jude : Ayoko pare, hwag na lang. Sayo na lang to, bigay mo kay Nida.
Bok : Ang alin ? Anong kay Nida?
Jude : Kunwari ka pa e, ang sweet nyo ni Nida e, papeles na lang kulang kayo na e. Hahahaha.
Mel : Amp!! Updated ka ah, sino nag kwento sa yo??
Jude : Basta, Bok, sa yo na tong stuff toy, bigay mo kay Nida.
Bok : Patawa ka na naman! Sasayangin mo yung pagkakataon, bigay mo yan kay Sita, hayaan mo ko dumiskarte kay Nida.
Jude : Eto na.


Ng biglang...


Sita : Oy ano ba kayo? Para namang sang damukal yang pasalubong nyo. (sabay kita sa purple na stuff toy sa kamay ni Bok) Uy ano yan? Ang cute ah.
Jude : Ahh.. eh, yan ang regalo ni Bok kay Nida. Request nya sa kin yan e.
Bok : Huh? Anong ako ? Hindi ah..
Jude : Kunwari ka pa e. Oo para kay Nida yan.
Sita : Ganun? E yung para sa kin?
Jude : Eto o... maraming maraming chocolates.
Sita : Thank you ha!! Bait mo talaga.


Pagbaba nila, wala ng nagawa si Bok kundi ibigay kay Nida ang stuff toy.


Bok : Nida para sa yo. (sabay abot ng purple na stuff toy)
Nida : Uy... thank you ha.

No comments: