Monday, August 21, 2006

Mr. Brightside

Plot : Sa office ni Grace, alas singko na ng hapon. Nagtatrabaho si Grace sa isang sikat na bangko sa Manila. Si Bomber naman, ang boyfriend
nya na nagtatrabaho sa Makati ay isang engineer
.


Grace : (sa sarili) Anong oras na ba? Alas singko na pala, tuloy kaya kami nila Uchie mamaya? Matawagan nga si Uchie.

Uchie : Hello, uy Grace, tuloy tayo mamaya ha.

Grace : Finally, makakagimik na tayo, two weeks na kong hindi lumalabas no. Hihihihi. Sino-sino ba tayo?

Uchie : Olats ka talaga. Ako, yung mag-boyfriend sila Jane at Jay, saka si Ralph at ikaw. Kung gusto mo sama mo boyplen mo.

Grace : Ay, kung sama ko si boyplen, maging odd number tayo. Hihihi, hwag na lang kaya. Sige see you later na lang ha. Paalam muna
ako kay boyplen.

Uchie : Ok see you later sister !!


Pagkababa ng telepono ni Grace, agad syang nag-send ng SMS sa boypren nyang si Bomber, nagpapaalam sya.


"Sweet, gimik lang kami ng mga girls tonight, dito lang kami sa Harbor Center " (send)

"Sino kasama mo? Hindi ako pwedeng sumama e, dami ko work" (send)

"Sweet, ok lang sila Uchie lang at Jane kasama ko. " (send)

"Sila ?? sinong sila na naman yan?? " (send)

"Sweet, sila Uchie, si Jane at yung boyfriend nya, saka si Ralph, ok naman kasama yun e" (send)

"Si Ralph??!! Di ba may crush sa yo yun? E bakit kasama yun? Tapos tuwang-tuwa ka pa makasama yun?" (send)

"Sweet naman, barkada kaya yun, ok ka lang? selos ka na naman ba?" (send)

"Shit naman oo. Kiri ka ba? May lalaki lang sasama ka na? Bullshit !!!Ginagago mo ba ako ha ??!!" (send)

"Well shit ka din!! Ganyan ba kababaw tingin mo sa kin?" (send)

"See finally, inamin mo na din. Gusto mo lang talaga makasama yang Ralph na yan." (send)

"What? Where the hell did you get that idea?? Bomber naman... puro selos ka na lang ba?" (send)

"Sweet... kasi naman e." (send)

"Sweet, sige sige, ok na. Para masaya na lahat hindi na ko sasama. ok. Para wala ka ng isiping iba." (send)

"I love you sweet.." (send)

"Luv u too :*" (send)


Pagkababa ng celphone, tinawagan agad ni Grace ang kaibigan nyang si Uchie.


Grace : Uy Uchie, sorry ha, hindi me makasama tonight.

Uchie : Baket na naman? Hindi ka pinayagan ni bompren?

Grace : Hindi, may suprise pala sya sa kin tonight e, he'll cook for me daw. Next time na lang ha!

Uchie : Ok, sige next time na lang.


Pagkababa ng telepono ni Uchie.


Uchie : haaaayy... hindi na naman pinayagan ng damuho na yun. tsk tsk tsk.

No comments: