Monday, August 21, 2006

Mr. Brightside

Plot : Sa office ni Grace, alas singko na ng hapon. Nagtatrabaho si Grace sa isang sikat na bangko sa Manila. Si Bomber naman, ang boyfriend
nya na nagtatrabaho sa Makati ay isang engineer
.


Grace : (sa sarili) Anong oras na ba? Alas singko na pala, tuloy kaya kami nila Uchie mamaya? Matawagan nga si Uchie.

Uchie : Hello, uy Grace, tuloy tayo mamaya ha.

Grace : Finally, makakagimik na tayo, two weeks na kong hindi lumalabas no. Hihihihi. Sino-sino ba tayo?

Uchie : Olats ka talaga. Ako, yung mag-boyfriend sila Jane at Jay, saka si Ralph at ikaw. Kung gusto mo sama mo boyplen mo.

Grace : Ay, kung sama ko si boyplen, maging odd number tayo. Hihihi, hwag na lang kaya. Sige see you later na lang ha. Paalam muna
ako kay boyplen.

Uchie : Ok see you later sister !!


Pagkababa ng telepono ni Grace, agad syang nag-send ng SMS sa boypren nyang si Bomber, nagpapaalam sya.


"Sweet, gimik lang kami ng mga girls tonight, dito lang kami sa Harbor Center " (send)

"Sino kasama mo? Hindi ako pwedeng sumama e, dami ko work" (send)

"Sweet, ok lang sila Uchie lang at Jane kasama ko. " (send)

"Sila ?? sinong sila na naman yan?? " (send)

"Sweet, sila Uchie, si Jane at yung boyfriend nya, saka si Ralph, ok naman kasama yun e" (send)

"Si Ralph??!! Di ba may crush sa yo yun? E bakit kasama yun? Tapos tuwang-tuwa ka pa makasama yun?" (send)

"Sweet naman, barkada kaya yun, ok ka lang? selos ka na naman ba?" (send)

"Shit naman oo. Kiri ka ba? May lalaki lang sasama ka na? Bullshit !!!Ginagago mo ba ako ha ??!!" (send)

"Well shit ka din!! Ganyan ba kababaw tingin mo sa kin?" (send)

"See finally, inamin mo na din. Gusto mo lang talaga makasama yang Ralph na yan." (send)

"What? Where the hell did you get that idea?? Bomber naman... puro selos ka na lang ba?" (send)

"Sweet... kasi naman e." (send)

"Sweet, sige sige, ok na. Para masaya na lahat hindi na ko sasama. ok. Para wala ka ng isiping iba." (send)

"I love you sweet.." (send)

"Luv u too :*" (send)


Pagkababa ng celphone, tinawagan agad ni Grace ang kaibigan nyang si Uchie.


Grace : Uy Uchie, sorry ha, hindi me makasama tonight.

Uchie : Baket na naman? Hindi ka pinayagan ni bompren?

Grace : Hindi, may suprise pala sya sa kin tonight e, he'll cook for me daw. Next time na lang ha!

Uchie : Ok, sige next time na lang.


Pagkababa ng telepono ni Uchie.


Uchie : haaaayy... hindi na naman pinayagan ng damuho na yun. tsk tsk tsk.

Thursday, August 10, 2006

Purple Stuff Toy

Plot : Homecoming Party ni Jude, galing syang Canada, sa party na kung saan ang promotor e ang mga kaibigan nyang sila Bok, Mel at Ping. Kasama din sa party ang crush ni Jude na si Sita, ang crush ni Bok na si Nida, at sila Tiny at Babes. Lokohan at tawanan syempre, tuwang-tuwa si Jude dahil matagal-tagal ding hindi nya nakita ang barkada nya, bonus pa kasi andito ang crush nyang si Sita.


Bok : O cheers!! para kay Jude, kasi hindi nya tayo nakalimutan!!
Lahat : Cheers!!! hahahaha!!!
Jude : Sira ka talaga, pano ko kayo makakalimutan? e araw-araw nyo ako ka-chat!! Hahahahah!!!
Mel : Ay oo nga pala.. Hahahaha!!!
Ping : speaking of chat, hoy Jude nasan na yung mga binilin namin sa yo na pasalubong??
Nida : Oo nga, kaya nga kami pumunta dito kasi may pasalubong ka daw e.. Hihihihi.
Sita, Tiny at Babes : chocolates!! chocolates!!!
Jude : pambihira, kala ko ba naman pumunta kayo dito para sa kin? Para pala sa pasalubong. hahahaha!! Teka, akyat lang ako at kukunin ko.
Bok : Samahan ka na namin ni pareng Mel sa taas, Ping kaw muna bahala dito sa mga girls na mukhang tsokolate.
Nida : BEEEHHH!!! Sige alis na atat na ko sa tsokolate ko e.


Sabay tumayo ang tatlong lalaki para kunin ang mga pasalubong ni Jude sa lahat.


Bok : Ano pare? siguro naman may regalo ka para kay Sita no?
Jude : Meron pare, kaso kinakabahan ako e, baka magalit.
Mel : Magalit? Tanga ka ba? Pasalubong magagalit?
Jude : Nahihiya ako pare.
Bok : Teka, ano ba yang pasalubong mo kay Sita ?
Jude : Eto, stuff toy.
Bok : Purple???!!
Mel : Tama, purple favorite color ni Sita diba?
Bok : Sabagay, nice work pare ko !! Nag-improve ka na ha.
Jude : Ayoko pare, hwag na lang. Sayo na lang to, bigay mo kay Nida.
Bok : Ang alin ? Anong kay Nida?
Jude : Kunwari ka pa e, ang sweet nyo ni Nida e, papeles na lang kulang kayo na e. Hahahaha.
Mel : Amp!! Updated ka ah, sino nag kwento sa yo??
Jude : Basta, Bok, sa yo na tong stuff toy, bigay mo kay Nida.
Bok : Patawa ka na naman! Sasayangin mo yung pagkakataon, bigay mo yan kay Sita, hayaan mo ko dumiskarte kay Nida.
Jude : Eto na.


Ng biglang...


Sita : Oy ano ba kayo? Para namang sang damukal yang pasalubong nyo. (sabay kita sa purple na stuff toy sa kamay ni Bok) Uy ano yan? Ang cute ah.
Jude : Ahh.. eh, yan ang regalo ni Bok kay Nida. Request nya sa kin yan e.
Bok : Huh? Anong ako ? Hindi ah..
Jude : Kunwari ka pa e. Oo para kay Nida yan.
Sita : Ganun? E yung para sa kin?
Jude : Eto o... maraming maraming chocolates.
Sita : Thank you ha!! Bait mo talaga.


Pagbaba nila, wala ng nagawa si Bok kundi ibigay kay Nida ang stuff toy.


Bok : Nida para sa yo. (sabay abot ng purple na stuff toy)
Nida : Uy... thank you ha.

Thursday, August 03, 2006

Chatters Tale

1st week, July 2005


chatmaster ** fairy_arwen enters the room. **

fenrir_elf -> uy may fairy fairy elf !!
fairy_arwen -> hi room. :p
fenrir_elf -> uy... fairy fairy... ctc?
fairy_arwen -> sorry i don't chat wt strangers.
fenrir_elf -> fairy fairy, let me introduce myself.. i'm fenrir_elf of the
elf clan, (translation -> uso ang LOTR ng ginawa ko tong nick ko, kaya elf)
fairy_arwen -> ->p hihihi.. kulit mo ah.
fenrir_elf -> di naman po masyado fairy fairy. :D
fairy_arwen -> hindi ka ba nahahabaan sa tawag mo sa kin? :P
fenrir_elf -> bakit po fairy fairy? ayaw mo ba ng fairy fairy?
fairy_arwen -> hindi naman. ok lang sya. cute.
fenrir_elf -> cute... siguro tulad ng may-ari ng handle
fairy_arwen -> aba.. mr elf, hindi ka lang makulit, bolero ka pa.
fenrir_elf -> naku fairy fairy, ang mga elves ay hindi bolero, asl pls.
fairy_arwen -> 22, syempre fairy female, dito me sa Seattle ikaw?
fenrir_elf -> may fairy ba sa Seattle? ako? 24, syempre male, Manila lang po.

....
....



2nd week, July 2005


chatmaster ** fenrir_elf enters the room. **

fairy_arwen -> hi mr elf! :P
fenrir_elf -> uy.. andyan ka pala fairy fairy.. *hugs*
fairy_arwen -> oy.. oy ano yan? bakit may *hugs*?
fenrir_elf -> hmm... platonic greeting?
fairy_arwen -> platonic greeting ka dyan... walang *hugs* di pa tayo close.
fenrir_elf -> ay ganun ba? *upo sa tabi ni fairy fairy* ayan.. close na tayo.
fairy_arwen -> weeehhhhhh... patawi ka ah.
fenrir_elf -> uy.. ang cute cute naman ni fairy fairy.. "patawi" bago yun ah
fairy_arwen -> bago? di kaya... luma na yang patawi no.
fenrir_elf -> oy.. teka.. close na tayo? so pwede na *hugs*?
fairy_arwen -> di pa din...
fenrir_elf -> sige. *touch finger nails* na lang
fairy_arwen -> ayyy!! ano yan, parang nandidiri ka sa kin ah
fenrir_elf -> gulo mo naman...
fairy_arwen -> hihihihi..
fenrir_elf -> oist.. gtg.. uwi na ko.
fairy_arwen -> ok bye.. ingatz :P
fenrir_elf -> sige bye.. *hugs* .. *sabay takbo ng mabilis*
fairy_arwen -> hhooooyyyyy!!!
....
....


3rd week, July 2005


chatmaster ** fairy_arwen enters the room. **
chatmaster ** fenrir_elf enters the room. **


fenrir_elf -> uyy sabay tayo.. *hugs* fairy fairy
fairy_arwen -> ayan na naman yang hugs na yan.. close na ba tayo?
fenrir_elf -> ay oo nga pala... *lapit kay fairy fairy na one inch na lang ang pagitan.. then *hugs* *
fairy_arwen -> ay corny. :p
fenrir_elf -> ay ang sunget naman.
fairy_arwen -> san ang sunget dun? corny naman talaga e. :P
fenrir_elf -> *tampo mode*
fairy_arwen -> aba nagtampo ang bata.. para yun lang e
fenrir_elf -> hmpf !!! *tampo mode*
fairy_arwen -> uuyy... hwag ka ng tampo mode... papanget ka e.
fenrir_elf -> *tampo mode ng naka-smile para di pumanget *
fairy_arwen -> hihihihi.. kulet mo talaga, sige, na, para di ka na tampo mode, kiss kita sa cheeks... *kiss sa cheek*
fenrir_elf -> *biglang lumingon kay fairy fairy bago mag-kiss sa cheeks
kaya "SMACK" sa lips!!! *
fairy_arwen -> Hoyyy!! Daya!! *batok kay fenrir*
fenrir_elf -> Hahahahahahah!!! Di ko na kasalanan yun ah, accident yun. :P
*hawak pa din ang lips sa tuwa*
fairy_arwen -> hmpf!!! Daya mo talaga!!
.....
.....


4th week, July 2005


chatmaster ** fairy_arwen enters the room. **

fenrir_elf -> ey.. fairy fairy *hugs*
fairy_arwen -> uy fenrir_elf *hugs* din (friendly lang)
fenrir_elf -> uy... may return *hugs* na din.. *crocodile smile*
fairy_arwen -> crocodile smile??
fenrir_elf -> yung hanggang tenga na smile :P
fairy_arwen -> sad me today.. :'(
fenrir_elf -> uy.. hwag ka na sad... pati ako nagiging sad din e *lungkot mode*
fairy_arwen -> may lungkot mode ka din ah.. :P
fenrir_elf -> syemper... ayan. .hwag ka na sad, smile ka na para *happy mode* na tayo.
fairy_arwen -> haaayy... hihihi... layo mo kasi e.
fenrir_elf -> layo ko? aha.. may kras ka sa kin no? gusto mo ko *hugs* sa personal.
fairy_arwen -> kras ka dyan.. gusto kitang batukan. :P
fenrir_elf -> ay ganun, kala ko naman mutual na feelings natin.
fairy_arwen -> hahahaha!! feelings ka dyan!! ikaw pa, saksakan ka ng bolero.
fenrir_elf -> naku naman fairy fairy kelan kita binola... *tibok heart mode *
fairy_arwen -> hihihi.. kulet. alis na ko!! bye!
fenrir_elf -> oist teka, kiss ko muna sa cheeks
fairy_arwen -> aba, namihasa ka ah.. sige.. *kiss sa cheeks sabay takbo*
fenrir_elf -> *sabay ling..*
fairy_arwen -> beehh!!! *takbo ng malayo*
fenrir_elf -> hahahaha.. naisahan ako ah.
........
........


1st week, August 2005

chatmaster ** fairy_arwen enters the room. **

fenrir_elf -> *hugs* *hugs* fairy fairy... :D
fairy_arwen -> *hugs* din. :D
fenrir_elf -> how's ur day fairy fairy na cute.
fairy_arwen -> aga-aga nambola na agad.
fenrir_elf -> layo mo kasi e.
fairy_arwen -> o ano kaugnayan ng nambola at layo?
fenrir_elf -> gusto kita date e... kaso wala me pamasahe papunta dyan.
fairy_arwen -> e bakit naman gusto mo ko date?
fenrir_elf -> e kasi fairy fairy, cute ka. tapos kras pa kita ng konti.
fairy_arwen -> hahahaha.. may konti pa a.. e di date tayo.
fenrir_elf -> pano kaya? grabe.
fairy_arwen -> e di kunwari date tayo.. :P masaya naman kahit kunwari e
fenrir_elf -> o sige.. date tayo...
fairy_arwen -> ok ..san mo ko dalhin :P
fenrir_elf -> teka, sunduin muna kita. dalhin agad e, atat ka naman e.
fairy_arwen -> ay oo nga no.
fenrir_elf -> *ding dong* tao po.. si fenrir po.
fairy_arwen -> ay may ding-dong pa.. :P *bukas pinto* uy.. mr. elf, hi!!
fenrir_elf -> huwaw!! pretty pretty mo naman fairy fairy, roses for you *sabay abot ng roses* ... halika, alis na tayo, may reservation tayo e
fairy_arwen -> uy haw sweet naman thanks, ok.. sige. asan car mo?
fenrir_elf -> car? hindi ako marunong mag-drive e, sakay na lang tayo ng pedicab. :D
fairy_arwen -> ang cheap naman, naka-dress ako e, tapos pedicab.
fenrir_elf -> e ganun talaga para unique.
fairy_arwen -> sige na nga. hmpf. :P
fenrir_elf -> eto na tayo sa restaurant, naka-set na pala yung inorder ko :D
fairy_arwen -> huwaw bilis naman. ano appetizer natin?
fenrir_elf -> inihaw na isaw at adidas
fairy_arwen -> huwaw! peyborit!! saya naman. :D
.......
.......



1st week, August 2005


chatmaster ** miss_foxy enters the room. **


fenrir_elf -> uy bago, hi miss foxy, ctc?
miss_foxy -> obvious ba? kaya nga me nag-log dito para magchat e.
fenrir_elf -> *pahiya konti* I mean, makipag-chat sa kin.
miss_foxy -> ok, wala namang choice e.
fenrir_elf -> *ayos neck tie* asl please? :D
miss_foxy -> nag-nect tie na pala elf ngayon, 23, female ofcourse, Ortigas
fenrir_elf -> uy nice, 24, male po, and dito me sa Manila.
miss_foxy -> Po ka dyan e mas matanda ka pa sa kin.

chatmaster ** fairy_arwen enters the room. **

fenrir_elf -> uy *hugs* fairy fairy!! :D
fairy_arwen -> uy hi mr.elf kumusta?

miss_foxy -> geezz another elf critter.

chatmaster ** miss_foxy leaves the room. **

fairy_arwen -> ang sunget naman nun. :P
fenrir_elf -> di naman, bago yata yun, kaya ganun. :D
fairy_arwen -> ay ganun? :D
fenrir_elf -> ano date ulit tayo?
fairy_arwen -> kunwari date na naman ? :p sige :D
fenrir_elf -> sige, sunduin kita ng pedicab ha.
fairy_arwen -> ay grabe, pedicab na naman.
fenrir_elf -> ano kaya itsura nung miss_foxy...
fairy_arwen -> aba, di hingi ka ng pic.
fenrir_elf -> naku, baka awayin ako, sungit kaya nun.
fairy_arwen -> yiheee... interesado sya kay miss foxy sunget hihihi..
fenrir_elf -> ngeks.. sunget kaya.. ssshhh baka mag-log in bigla lagot ka.
fairy_arwen -> ay oo nga no.
......
......



2nd week, August 2005

chatmaster ** fenrir_elf enters the room. **


fairy_arwen -> hi mr. elf *hugs*
fenrir_elf -> uy fairy fairy *hugs sabay kiss sa cheeks*
fairy_arwen -> hoy!! may kiss na ah!!
fenrir_elf -> syempre, close na tayo tapos nagdate na tayo.
fairy_arwen -> hahaha!! imaginary naman yun e
fenrir_elf -> e ganun talaga.

chatmaster ** miss_foxy enters the room. **

miss_foxy -> hello elf critters!!
fenrir_elf -> hi miss sung... err.. foxy :D
miss_foxy -> uhmm.. so what are you two up to?
fenrir_elf -> hmm.. wala naman ikaw?
fairy_arwen whispers to fenrir_elf -> yihee.. anydyan na si sunget na kras mo.
fenrir_elf whispers to fairy_arwen -> ssshhh.. kaw talaga o, mabasa nyang si sunget.
miss_foxy -> hmm.. ok, tambay lang ako ha, sana wala ako naistorbo.
fenrir_elf -> ano kaya istorbohin? wala kaya. ano gawa mo aside sa chatting? office ka?
miss_foxy -> yes. hmm... medyo toxic na sa work e, kelangan mag-relax
fairy_arwen whispers to fenrir_elf -> uy.. alis na ko ha..yihee.. solohin mo na si miss foxy-sunget :P
fenrir_elf whispers to fairy_arwen -> uy.. grabe. *hugs* bye ingat

chatmaster ** fairy_arwen leaves the room. **

miss_foxy -> oh. bakit umalis yun?
fenrir_elf -> hmm uwi na daw sya. :P
.......
.......


3rd week, August 2005


chatmaster ** fenrir_elf enters the room. **


fenrir_elf -> hi room? huh himala wala si fairy.. :P
fenrir_elf -> :P
fenrir_elf -> :D
fenrir_elf -> :)
fenrir_elf -> wala pa din?

chatmaster ** miss_foxy enters the room. **

fenrir_elf -> hi miss sung.. err foxy :P
miss_foxy -> hmm.. anong sung yan?
fenrir_elf -> typo error lang boss.
......
......




4th week, August 2005


chatmaster ** fenrir_elf enters the room. **

fenrir_elf -> hi room? huh wala pa din si fairy.. :P
fenrir_elf -> :P
fenrir_elf -> :D
fenrir_elf -> :)
fenrir_elf -> wala pa din? hmm anyway, incase na mag-log in ka na-lipat na me ng shift sa work... ibang time na me :P

chatmaster ** miss_foxy enters the room. **

miss_foxy -> anong care ko kung lumipat ka?
fenrir_elf -> ang sunget talaga, e di makaka-chat na kita sa morning. :P
miss_foxy -> huusss
.....
.....




1st week, September 2005

chatmaster ** fairy_arwen enters the room. **

fairy_arwen -> tahimik ng room ah..
....
....

chatmaster ** fairy_arwen leaves the room. **




3rd week, September 2005

chatmaster ** fairy_arwen enters the room. **

fairy_arwen -> haaaayy... wala na si mr.elf :P
....
....

chatmaster ** fairy_arwen leaves the room. **