Wednesday, June 13, 2007

Enrollment + EB

sa isang sikat na university sa quezon city, nag-aantay sa waiting shed si Jones.


"ano ba naman to, dalawang oras na ko nag-aantay dito ah. wala pa din si angela? buti na
lang naka-unlimitxt ako ngayon, txt ko nga muna sya." bulong ni jones sa sarili sabay labas ng kanyang celphone para i-txt si angela.


"san ka na?" sabay pindot ng send.


"tit-tut-tit" tunog ng celphone nya pagkaraan ng ilang minuto.


"on the way na dyan, kakatapos lang naming mag-enroll", reply naman ni angela sa kanya.


bumalik ulit ang ngiti sa mga labi ni jones, magkikita na sila ni angela, first time ito, kaya medyo excited sya. buti na lang at dito nya naisipan mag-enroll, school mate na sila ngayon. dati-rati e sa internet lang o sa mga txt messages lang sila makakapag-usap.


mga limang minuto pa ang nagdaan, natanaw na ni jones si angela na may kasamang babae, mukhang kaibigan nya.


"huuuyyy!!! jones!!! ikaw nga! hahahaha!! finally nag-meet na tayo!" malayo pa ay sigaw na ni angela. "oo nga pala friend ko si christina."


"ahh ehh... hi angela, hi christina." mala-makahiyang bati ni jones.


"san tayo? medyo gutom na kami e, lunch na", tanong ni angela.


"ahhmm.. lunch tayo, san ba pwede kumain dito?", balik na tanong ng mahiyaing si jones.


"halika dun tayo sa Amangs! masarap dun, sama ka christina!", daglian aya ni angela at nauna sila sa paglalakad. nasa likuran nila si jones, nakangiti pa din.


"ano nga pala naisip mo at nakipag-meet ka sa kin ngayon?" tanong ni angela kay jones sabay lingon.


"ahh ehh.. wala lang andito din naman ako e, nag-enroll din." sagot ni jones.


"ah oo nga pala no, school mates na tayo! dali, dito na tayo, pila na tayo at order na ng food. hungry na ko. raawwrr. hahahah!", masayang sagot ni angela.


Napangiti na lang si jones samantalang ang dalawang magkaibigan panay ang tawanan.

pagka-order nila, si jones ang nagbayad ng lunch nila.


"uy, nakakahiya naman ikaw pa nagbayad." sabi ni christina.


"ahh eh, ok lang, tutal naman may sweldo naman ako sa pagsusulat ng mga articles sa sports e." sagot ni jones


"ahh. galing mo naman. thanks ha!"

"thanks din!! " magkasabay na sabi ng magkaibigan na angela at christina.


tahimik silang kumakain ng lunch, ng matapos na sa pagkain si christina, nagpaalam ito dahil may aasikasuhin lang daw na bagay, iniwan nya ang dalawa.


"hooyy!! balik ka ha!", sigaw ni angela sa kaibigan.


"o ano, kwento ka", sabay kausap ni angela kay jones.


"ha ah eh, wala naman akong ikukwento. ahmm.. madalas ba kayo dito mag-lunch?" tanong ni jones.


"medyo, dito lang kasi ito sa loob ng campus, hindi na kami lalabas. ay teka, libot kaya kita sa buong campus. halika na." sabay hatak ni angela kay jones.


"eto nga pala ang library dito, dyan sa kaliwa yung building namin, most of the time dyan lang ang lahat ng klase ko, dun naman sa dulo, dun yata ang mga pang-IT dito. layo no? dun naman ang basketball court." maayos kwento sabay turo ni angela habang namamasyal sila ni jones sa paligid ng campus.


"huy! ano ba? may tanong ka ba?" sabay kalabit ni angela kay jones na nakangiti lang at nakatingin sa kanya.


"hah. wala lang. nakikinig lang ako." mahiyaing sagot ni jones.


"ganun ba? sige dun tayo, dun daw natin i-meet ulit si christina e." aya ni angela kay jones.


maya-maya dumating na si christina. oras na din ng pamamaalam nila dahil uuwi na si angela sa kanila, si jones naman e pauwi na din.


"o pano bye bye na. kita-kits na lang pag may school days na.", pamamaalam ni angela.


"ah.. eh. teka, question lang, ano nga pala ang isked mo this semester?", pahabol na tanong ni jones.


"ngek! ngayon lang nya tinanong yan?" bulong ni christina kay angela.


"sshh.. wag ka nga maingay.", saway ni angela sa kaibigan nya.


"hmm.. bale thursday and friday lang ako may free time, pero may morning class din ako sa saturday. kaya malamang saturday na ko uuwi sa min. oo nga pala, sa dorm na ko titira. big gurl na e. hihihi" sagot ni angela kay jones.


"ah..ok sige. nice meeting you ulet. bye." sabay talikod ni jones. habang papalayo siya, hindi maiwasan na mapangiti sya sa nangyari ngayong araw na ito. sulit ang dalawang oras nyang pag-aantay.


samantala habang naglalakad naman ang magkaibigan papalayo.


"ang tangkkaaaddd!! nakakawindang! nangawit leeg ko dun ah" sabi ni angela.

"hahahaha! ako nga din e! kaso bihira magsalita. ", pagsang-ayon naman ni christina.

7 comments:

Christian Angelo said...

Wow famillar! hahaha

Anonymous said...

nakarelate ka chris? hehe.

ayesa mikaela said...

ahahahahahah!!! hayup ka talaga ace!

Joyce said...

Overly naman. Exaj ka Ace!

astro_prick said...

exaj ka dyan.
this is just a "pricktionalized" story.

kathang isip lamang.


nuninuninuninuinuninuninun...

Anonymous said...

iba ka talaga schoolmate!! :D
clo! clo!

ay "fiction" pala ito, akala ko cbuzz eh hahahaha

Aquabitch said...

ahahaha. Nagkita rin.