Tuesday, September 19, 2006

Ortigas...

Plot : Si Jigs, kaka-break lang sa long time gf nyang si Mayumi, si Michie, nasa isang long distance relationship sa isang foreigner. Magkaibigan sila, magkasama ngayon manonood ng sine sa Robinson’s sa Ortigas.

Michie : ok ka lang Jigs?
Jigs : ayos lang ako, thank you nga pala at sinamahan mo ako.
Michie : sus, ok lang yun no, what are friends are for.

Sabay hawak ng kamay ni Michie sa kamay ni Jigs, holding hands silang nagpapaikot-ikot sa mall.

Michie : gusto mo nood tayo ng sine?
Jigs : oo ba. Ano ba palabas ngayon?
Michie : hindi ako sure e, c’mon, check natin.

Nanood sila ng isang love story movie. Sa loob ng movie house, hindi binibitawan ni Jigs yung kamay ni Michie. Sa gitna ng pelikula, nagkatinginan sila, dahan-dahang lumapit si Jigs kay Michie para halikan ito.

Michie : Jigs, hwag… hindi tama ito, may boyfriend ako, ikaw, kaka-break mo lang sa gf mo.
Jigs : Michie… naiintindihan ko ang sitwasyon natin… pero hindi ko kayang pigilan itong puso kong natutunan ng ibigin ang kaibigan ko.
Michie : Jigs….

Naglapat ang kanilang labi sa unang pagkakataon… dahan-dahan, may pagnanasa at pagmamahal.

Pagkatapos nilang manood ng sine, dumiretso sila sa condominium ni Michie. Walang umiimik, walang nagsasalita. Ang kanilang mga mata ang nag-uusap, sila’y nagkakaunawaan. Magkahawak kamay nilang binuksan ang pintuan ng kwarto ni Michie.

Jigs : Michie, sigurado ka ba sa gagawin natin?
Michie : sssshhhhh….

Sabay halik kay Jigs.

No comments: