Wednesday, July 12, 2006

Sa Terrace

Plot : Si Gudo, nag-iisa sa terrace ng bahay nila, nag-iisip, nag mumuni-muni tungkol sa problema nila ng nobya nyang si Elaine. Aalis na kasi ang nobya nya papuntang USA, ang setup nila, itutuloy pa din nila yung relasyon nila kahit magkalayo sila.


Gudo : (sa sarili ) Pero masyadong malayo ang Amerika sa Pilipinas, maraming tuksong pwedeng mangyari. Gusto ko syang pigilan, papakasalan ko na sya, tutal naman may ipon na ako. Pero, pano naman ang career nya? Malaki maidudulot ng pagpunta nya don para umunlad lalo yung kaalaman nya. Dalawang taon lang naman kaming magkakahiwalay. Pero... haayy.. naguguluhan ako. Ano gagawin ko? Ayaw ko syang umalis... pero gusto ko din syang umunlad. Pano ba ito?


Mom : Gudo anak.... anong ginagawa mo dyan sa terrace?

Gudo : Wala po Ma... nag-iisip lang.

Mom : Hmmm.. iniisip mo si Elaine no?

Gudo : Si Mama talaga oo.

Mom : Alam mo anak, hindi naman sa nakikialam ako no. Kaya lang, diba parang mas maganda na bayaan mo si Elaine na umalis para umunlad naman yung kaalaman nya sa career nya. Alam mo naman siguro na may mga hindi kayang ibigay ang asawa sa satisfaction sa career at sarili saming mga babae. Kung mahal mo sya, hayaan mo sya, alam mo naman na babalik din sya sa yo e. Mahal ka nun diba? Bigyan mo sya ng space.

Gudo : Ma... thanks.

Mom : Naku hijo, hwag ka munang magpasalamat, pagkat ako'y nagbigay lang ng opinyon sa yo. Ikaw pa din ang bahalang magdesisyon. Sige iwan na muna kita.


Sabay alis ng kanyang Mama, at naiwan si Gudo sa terasa.


Gudo : Hmmm.. mukhang tama si Mama ah. Mukhang sarili ko lang ang iniisip ko ah.


Maya-maya lumapit ang Tatay nya na may dalang beer.


Dad : O... beer o.

Gudo : Ayos ah. Ano okasyon Pa?

Dad : Kaw naman, minsan lang tayo mag-inuman e, cheers!!

Gudo : Cheers.

Dad : Ganda ng araw no, pag palubog na.

Gudo : Oo nga Pa e. Nakakarelax.... Hmmm.. Pa... ano.. si Elaine...

Dad : Alam ko. Naiintindihan ko yung sitwasyon mo anak. Kaya mo yan.

Gudo : Pa.. mahirap e. Hindi ko alam kung ano gagawin ko e.

Dad : Anak.. kung talagang mahal mo ang isang tao. Ipaglalaban mo. Hwag mong bibitawan. Pag pinakawalan mo.. aba... mawawala talaga yan. Bakit hindi ka sumama sa US, may visa ka naman diba? Hwag mo ng intindihin ang trabaho mo. Kung gusto mo e, bigyan kita ng pera allowance mo. Pagdating mo dun. Saka ka maghanap ng trabaho. Kung mahal mo, hindi mo sya iiwan.

Gudo : Thanks Pa.

Dad : Okey lang anak. Ubusin na natin itong beer natin. Alam mo naman, hanggang isang bote na lang ako. Hehehehe.

Gudo : Sige Pa. bottoms up!!

Gudo : (Sa sarili) Si Papa talaga oo, iba naman ang sinabi.. haay.. mas nalito ako ah.


Umalis din ang Papa ni Gudo pagkaubos ng beer nito, at naiwan na naman si Gudo na nag-iisa. Pumasok sya pansumandali sa bahaya para kumuha pa
ng isang bote ng beer. Habang pabalik sya sa terasa, nakasalubong nya ang ate nya
.


Ate : Oy Gudo, pang-ilang bote mo na yan?

Gudo : Sis naman, pangalawa pa lang ito. Nabitin lang ako dun sa ininom namin ni Dad kanina. Teka, san ka nga pala pupunta?

Ate : Ako? Naku.. pupuntahan ko yung tropa naming si Migs... aaluin namin.

Gudo : Si Migs? Yung girlfriend e nasa Amerika?

Ate : Ex-girlfriend kamo. Pinagpalit si Migs dun sa kaklaseng kano. Naku Guds, kaya ikaw, hwag mo ng paalisin yang si Elaine. Pakasalan mo na! Ikaw din baka matulad ka dun sa tropa namin. Sige Guds... una na ko, nag-txt na sila Lulu e. Bye.

Gudo : Sige Sis. Ingat. Send my regards sa mga friends mo ha.

Ate : Yep. Bye.

Gudo : (sa sarili) Ano ba naman ito.. lalo akong nalito ah. Ano bang dapat kong gawin. Hayaan sya.. Sumama sa kanya.. Pigilan sya... pambihira.
Lalong gumugulo problema ko ah.


Pagbalik ni Gudo sa terasa, nakita nya sa baba ang matalik nyang kaibigang si Bobby.


Bobby : Guds!! Pare ko kumusta !!!

Gudo : Ok naman pare. Halika akyat ka. Saluhan mo ko dito sa beer.

Bobby : Ayos!! Pare nabalitaan ko nga pala yung tungkol kay Elaine...

Gudo : (Biglang binato ang hawak nyang beer kay Bobby) Tang-ina!!! Lumayas ka nga!!! Dagdag problema ka pa e!!

Wednesday, July 05, 2006

LPG at Jeep

Plot : Umaga, papasok ng opisina si Fred, dahil nagkataon namang naubusan sila ng LPG, sumabaya sa kanya ang nanay nya.
Si Fred bale ang magbitbit ng LPG papunta sa bilihan, tapos nanay na nya bahala sumakay ng tricycle pauwi. Bad trip syempre
si Fred, kasi naka-slacks at long sleeves sya, pero may bitbit ng 11kgs size na LPG. Sa pagsakay nila ng jeep, nakasabay nila
si Ella, ang magandang kalapit-bahay nila, na long time crush ni Fred, na nagtatrabaho din sa Makati
.


Fred : Uy Ella, papasok ka din pala.

Ella : Syempre naman no. Lunes na lunes mag-absent ako. Teka, bakit may dala kang LPG?

Fred : Ha e.. ano.. samahan ko lang nanay ko sa bilihan nitong gas, yung malapit sa sakayan ng bus. Tapos diretso na ko sa opisina.
Oo nga pala, Ella , kilala mo nanay ko no?

Ella : Oo naman no. Kumusta po?

Nanay : Ok naman ako iha. Gumaganda ka yata.

Ella : Naku, make-up lang po yan.

Nanay : (Pabulong) Uy.. Fred, anak, di ba matagal mo ng crush itong si Ella, bakit ba hindi mo ligawan.

Fred : (Pabulong) Shhh.. Nay naman e.. .hwag kang maingay nakakahiya.

Nanay : (Pabulong) Huus ano ba naman yan.. e beinte tres anyos ka na, saksakan ka pa ng mahiyain.

Fred : Nay naman e.


Huminto ang jeep sa tapat ng sakayan ng mga FX papuntang Makati. Maraming bumabang pasahero.


Fred : Ella.. hindi ka ba bababa?

Ella : Uy hindi, nagba-bus lang ako. Maaga pa naman e. (sabay ngiti)

Fred : Ahh.. ok. (sabay tingin sa labas ng jeep)


Nag-roll-eyes ang nanay ni Fred. Gusto nyang batukan ang anak sa katorpehan nito.
Makaraan pa ang ilang minuto, huminto na ang jeep sa boundary at nagbabaan na ang lahat ng pasahero. Naunang bumaba si Fred, at ibinaba ang LPG sabay abot ng kamay para alalayan ang nanay nya. Pagkababa ng nanay nya, inalalayan din nya si Ella sa pagbaba
.


Fred : Sige Ella, hatid ko muna si Nanay dun sa bilihan ng LPG.

Ella : Sige Fred.


At dumiretso na si Fred kasama ang nanay nya sa bilihan ng gas. Pagkatapos nito, tumungo na din si Fred sa sakayan ng bus.
At nagulat sya sa nakita dahil nag-aabang si...



Fred : Ella !!

Ella : Hi ulit. Napuno na kasi agad yung isang bus e. Ayoko namang nakatayo buong byahe. Kaya dito na lang ako sa susunod sasakay.

Fred : Ah ganun ba? Sige, sabay na tayo.


Sabay silang umakyat ng bus. Inalalayan pa ni Fred si Ella sa pag-akyat. Nakaupo sila sa dalawahan, si Ella sa tapat ng bintana.


Kundoktor : San kayo ser?

Fred : Dalawa sa Ayala Ave.

Ella : Eto bayad ko o.

Fred : Hwag na. Sagot ko na. Next time ikaw naman.

Ella : Ok.. sige sabi mo e.


Tahimik lang ang dalawa habang umaandar ang bus. Pasulyap sulyap si Fred kay Ella. Maganda talaga ang babaeng ito, mabait pa.
Swerte ng boyfriend/magiging boyfriend nito
.


Fred : Hmm.. Ella, pwedeng magtanong?

Ella : Oo naman. Ano tanong mo?

Fred : Medyo personal e. Tanong ko sana kung may boyfriend ka na?

Ella : (napangiti) Bakit mo naman gustong malaman?

Fred : Ha? A eh... kasi sa ano...maganda ka kasi e.

Ella : (natawa ng konti) Ang labo naman ng sagot mo? Ano naman kaugnayan ng boyfriend sa ganda ko?

Fred : Hehehe.. sensya ka na. Nalilito lang ako ng konti. Hindi kasi ako nag-almusal e. Ang aga naming nawalan ng gas.

Ella : Hmmm ok.

Fred : (todo kabog ang dibdib, namumutla) Oo nga. (Sabay tingin sa harapan ng bus)